01

ABOUT US.

02

OURSTORY.

The owners of OLAZO Furniture seated together at the company office, dressed for a formal occasion, with the business's framed certificate on the wall behind them
Ronalyn Olazo & Ryan OlazoThe people behind OLAZO Furniture.

Ang Olazo Furniture ay nagsimula sa aming ama—sa simpleng pangarap, sipag, tiyaga, at pagmamahal sa paggawa ng mga produktong gawa sa kahoy. Sa paglipas ng panahon, ang kaalamang kanyang ipinasa ay naging pundasyon ng aming negosyo.

Ngayon, ipinagpapatuloy namin ang kanyang nasimulan sa pamamagitan ng patuloy na pagpapahusay ng aming craftsmanship, pagbibigay ng de-kalidad na produkto, at pag-aalaga sa bawat kliyenteng nagtitiwala sa amin.

Para sa amin, ang Olazo Furniture ay hindi lamang negosyo. Ito ay isang pamana ng pamilya—isang pangarap na ipinapasa sa susunod na henerasyon, habang nagbibigay ng trabaho, tumutulong sa mga pamilya, at lumilikha ng mga produktong maaaring tumagal at maging bahagi ng tahanan ng bawat customer.

From our father's craftsmanship, to the next generation.

Built with family, crafted with purpose.

03

OUR DIRECTION.

An OLAZO craftsman cutting a tree medallion into a door panel with mallet and chisel, his chisels laid out on the bench beside him

Vision

Maging isang matagumpay at pinagkakatiwalaang furniture company na hindi lamang kilala sa kalidad ng aming mga produkto, kundi sa integridad, malasakit, at kahusayan sa bawat gawaing aming ginagawa.

Hangad naming makabuo ng isang organisasyon na sabay-sabay umuunlad—kung saan ang bawat kliyente ay nakatatanggap ng serbisyong karapat-dapat sa kanilang tiwala, at ang bawat empleyado ay nagkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng maayos na trabaho, magandang kinabukasan, at mas magandang buhay para sa kanilang pamilya.

Mission

Ang aming mission ay gumawa ng de-kalidad, matibay, at maayos na produkto at magbigay ng serbisyong may malasakit, pananagutan, at propesyonalismo.

Nais naming lumikha ng marangal at maaasahang trabaho para sa aming mga empleyado—trabahong hindi lamang nagbibigay ng kita, kundi nagbibigay din ng pagkakataong matuto, umunlad, magkaroon ng dignidad sa trabaho, at masuportahan ang kanilang mga pamilya.

Naniniwala kami na ang tunay na tagumpay ng isang negosyo ay hindi lamang nasusukat sa dami ng aming proyekto o kita, kundi sa dami ng buhay na aming napapaganda, pamilyang aming natutulungan, at tiwalang aming nabubuo.

04Our Purpose

WE BUILD QUALITY,CREATE OPPORTUNITIES,AND GROW TOGETHER.